MANILA, Philippines -Hiniling ng mga lider ng tribung Blaan sa South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur sa AFP na magtayo ng mga detachment sa kanilang ancestral domain upang maprotektahan ang tribal communities mula sa NPA at iba pang armadong grupo.
Sa resolusyong nilagdaan nitong Marso 10 sa General Santos City, hiniling ng 10 Blaan tribal chieftains mula sa South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur sa AFP na ilipat ang detachments ng mga kawal mula sa Datal Alyong at Kiamo sa Davao Del Sur sa hangganan ng kanilang ancestral domains sa Datal Biao at Salnaong, sa Tampakan, South Cotabato; at Bongmal, Barangay Kimlawis, Davao Del Sur.
Sa pamamagitan nito, hindi makapapasok ang mga miyembro ng NPA at iba pang armadong grupo sa kaÂnilang mga lugar.
Nilagdaan ang resoluÂsÂyon nina Bae Dalena Samling; Fulong Celso Doc; Fulong Gil Malayon; Fulong Juanito Malid; Fulong NeÂraldo Capion; Fulong Rufino Ernie; Fulong Suana Salutan; Fulong Joel Corante ng Bgy.Blaan, Maluyon; at Fulong Domingo Sinaya.
“Idinedeklara namin ang Bongmal CADT bilang sona ng kapayapaan at kaunlaran para sa tribung Blaan.
Bawal ang giyera at pagsasagupa sa loob ng Bongmal CADT sa pagitan ng AFP, PNP, NPA at iba pang armadong grupo.â€