^

Police Metro

Tulong ng AFP hiningi ng mga lider ng tribung Blaan vs NPA

Pang-masa

MANILA, Philippines -Hiniling ng mga lider ng tribung Blaan sa South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur sa AFP na magtayo ng mga detachment sa kanilang ancestral domain upang maprotektahan ang tribal communities mula sa NPA at iba pang armadong grupo. 

Sa resolusyong nilagdaan nitong Marso 10 sa General Santos City, hiniling ng 10 Blaan tribal chieftains mula sa South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur sa AFP na ilipat ang detachments ng mga kawal mula sa Datal Alyong at Kiamo sa Davao Del Sur sa hangganan ng kanilang ancestral domains sa Datal Biao at Salnaong, sa Tampakan, South Cotabato; at Bongmal, Barangay Kimlawis, Davao Del Sur. 

Sa pamamagitan nito, hindi makapapasok ang mga miyembro ng NPA at iba pang armadong grupo sa ka­nilang mga lugar.

Nilagdaan ang resolu­s­yon nina Bae Dalena Samling; Fulong Celso Doc; Fulong Gil Malayon; Fulong Juanito Malid; Fulong Ne­raldo Capion; Fulong Rufino Ernie; Fulong Suana Salutan; Fulong Joel Corante ng Bgy.Blaan, Maluyon; at Fulong Domingo Sinaya.

“Idinedeklara namin ang Bongmal CADT bilang sona ng kapayapaan at kaunlaran para sa tribung Blaan.

Bawal ang giyera at pagsasagupa sa loob ng Bongmal CADT sa pagitan ng AFP, PNP, NPA at iba pang armadong grupo.”

 

BAE DALENA SAMLING

BARANGAY KIMLAWIS

BLAAN

BONGMAL

DATAL ALYONG

DATAL BIAO

DAVAO

DAVAO DEL SUR

FULONG

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with