MANILA, Philippines - Ang naiwang pares na tsinelas ng isang adik na pedicab driver ang nagpaÂhamak sa kanya nang matuklasan ang ginawang panghahalay at pagpatay sa isang 6-anyos na batang babae na ang bangkay ay kanyang isinilid sa plastic bag at inilagay sa ilalim ng kaniyang kama sa Victoria City, Negros Occidental kaÂmakalawa.
Sa ulat ni Supt. AleÂxander Muñoz, hepe ng Victorias City Police, dakong alas-11:00 ng Linggo ng umaga nang marekober ang bangkay ng biktima sa barung-barong ng suspek sa Brgy. 16 A, New Barrio ng lungsod.
Sa salaysay ng magulang, ang biktima na si Kim Marie Jane Canete ay nabiÂgong umuwi noong Sabado ng gabi sa kaÂniÂlang bahay na huling nakitang naglalaro malapit sa barung-barong ng suspek na si Ricky Gentilizo, 22.
Hinanap ng pamilya ang biktima at dito ay nakita ang naiwang tsinelas ng suspek sa labas ng banyo na gawa sa pawid at kawayan sa lugar na pinaglaruan ng biktima ng may ilang metro ang layo sa bahay ng suspek.
Kaya’t nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at kanilang inaÂresto ang suspek na hindi na nakapalag matapos sa mismong ilalim ng kama niya narekober ang bangkay ng bata na hubo’t hubad.
Inamin din ng suspek na ginahasa at pinatay niya ang bata at plano na itapon ang bangkay kaya’t isinilid muna niya ito sa plastic na tinambakan ng damit sa ilalim ng kaniyang kamang kahoy na hinihigaan at tuÂmiÂÂtiyempo na itapon.
Ang bangkay ng biktima ay hinihinalang tinakpan ng unan sa mukha hangÂgang sa mamatay.