MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata makaraang barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng bahay nito, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Nagawa pang maisugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si EduarÂdo Gutierrez, 36-anyos, ng Block 8, Lot 15, Bo. Filipino, ng naturang lungsod.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakiÂlanlan ng salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Sa ulat ng Pasay Police, dakong ala-1:00 ng madaÂling-araw nang umalingawÂngaw ang putok ng baril sa sala ng bahay ng biktima.
Agad namang nagising ang ama ng biktima na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang sala kung saan nadiskubre ang duguang bangkay ng anak.