Oil tanker ininspeksiyon ni Biazon
MANILA, Philippines - Sopresang ininspeksiyon si Bureau of Customs (BoC) Comm. Rozzano “Ruffy†Biazon ang isang oil tanker na nakadaong sa Mariveles, Bataan upang tiyakin kung nasusunod ang tamang proseso sa pagkakarga ng langis at tamang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Nabatid na noong Sabado ay nagtungo ang grupo ni Biazon sa Barangay Lucanin, Mariveles upang masusing siyasatin ang aktuwal na pagkakarga ng 50,000 metrikong toneladang laÂngis sa isang oil tanker.
Sinabi ni Biazon, nais niyang makita ng personal kung tama ba ang proseso nang pagkakarga ng langis at tiyakin din kung tama ang pagbabayad ng importer o consignee nito ng buwis sa pamahalaan. Nais din ni Biazon na tuluyan ng matuldukan ang nagaganap na smuggling ng langis sa bansa kaya pinaigting nila ang ginagawang monitoring sa lahat ng oil importation.
- Latest