1 dedo, 7 sugatan… Brgy. assembly meeting niratrat

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi at 7 ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang ginaganap na Ge­neral Assembly meeting ng mga Barangay sa Sta. Cristina 2, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakila­lang si Arsenio Pionilla, 55, brgy Justice na residente ng Blk Q, Excess lot sa nasabing barangay.

Ang anim na nasuga­tan ay ginagamot ngayon sa magkakahiwalay na pa­ga­mutan na pinagdalhan sa kanila.

Batay sa imbestigas­yon ni PO2 Aaron Abesamis, may hawak ng kaso, ganap na alas-9:50 ng gabi ng maganap ang insidente.

Ayon sa report, nagsasagawa ng pagpupulong ang mga Barangay sa lungsod ng dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima at mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Kasalukuyan pang nag­sasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente upang mabatid ang motibo ng krimen.

 

Show comments