Sakit na ‘agnas laman’ pinatututukan sa DOH
MANILA, Philippines - Pinatututukan ngaÂyon ng Malacañang sa Department of Health (DOH) ang ulat na nakaÂpasok na sa bansa ang sakit na tinatawag na ‘flesh-eating disease’ o agnas laman.
Pero nagbabala si DeÂputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na tingnan munang mabuti ang nasabing report upang hindi magdulot ng alarma sa publiko lalo pa’t hindi pa naman ito beripikado.
Ayon pa kay Valte, senÂsitibo ang nasabing ulat at dapat itama ang mga impormasyon tungkol dito bago magbigay ng babala sa publiko.
Nauna rito napaulat na isang Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwi sa bansa na nagtataglay ng nasabing sakit.
Kalat na umano ngaÂyon sa bansang Hongkong ang flesh-eating disease o agnas laman na sakit.
- Latest