Lola natuluyan sa ika-3 suicide attempt

MANILA, Philippines - Kung sa pangalawang beses na pagtatangkang tapusin ang buhay ay nakalusot ang isang 62-anyos na lola ay natuluyan na ito sa ikatlong pagkakataon nang magbigti gamit ang kumot sa kuwarto ng kanyang bahay kahapon ng umaga sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite

Ang biktima ay nakilalang si Adoracion Oliveros, barangay health worker at residente ng Acacia, Brgy. Malainen Bago ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, ganap na alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima ng asawa nitong si Esteban, 80.

Ayon kay Esteban na dalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang biktima na lagi naman niyang naaagapan, subalit ang ikatlo na pagtatangka ay itinaon na wala siya sa bahay.

Malaki ang hinala ni Esteban na ang katandaan, hirap ng buhay at nararamdamang sakit  ng asawa ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.

 

Show comments