HS student nagbaril matapos i-bully ng mga kaklase

MANILA, Philippines - Nagbaril sa ulo ang isang 14-anyos na estu­d­yan­te ng isang Catholic School matapos ang ma­tin­ding depresyon dahil sa ginagawa umanong pam­bu-bully sa kanya ng mga kaklase.

Patay na nang matag­puan ng mga pulis ang bik­timang si Lee Young Gunay, 2nd year high school student ng St. Bridget College sa kuwarto ng kanyang magulang sa bahay nila sa Madonna Homes Sub­division, Ba­rangay Ala­ngilan, Batangas City ban­dang alas-10:00 ng gabi noong Lunes.

Ang biktima ay nagta­mo ng isang tama ng  bala ng baril ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng kanyang sentido.

Ayon sa ama ng bikti­ma na si Willy Gunay, po­sibleng matinding dep­­res­yon ang nagtulak para magpakamatay ang kan­yang anak matapos bu­mag­sak sa kanyang Math subject

Subalit ang ikinagulat ni Willy ang pahayag ng pamangkin na si Shaina sa nadiskubre nitong laman ng Facebook account at secret group ng pinsan.

Nabasa nito ang sa sec­ret group ng pinsan na “2-Gratitude” ang mga kata­gang- “dapat tumigil na tayo sa pambu-bully kay Lee”

“Ngayon ko lang nala­man sa mga classmates niya (Lee) na kung anu-ano pala ang itinatawag sa kanya noong nabubuhay pa siya” wika ni Willy.

“Tinatawag siyang bu­lugan, bakla at may body odor kaya laging tinutukso na naba-busted sa mga ni­liligawan niya” dagdag ni Shaina.

Sinisisi rin ni Willy ang class adviser ng anak dahil hindi muna sila kinausap sa bagsak na subject ng anak bago nito sinabihang kailangang mag-summer remedial class ito.

 â€œAlam kong ayaw na ipaalam ng anak namin ang problema niya dahil sa sakit kong diabetes at sa hirap ding dinadanas ng mommy niya sa trabaho” paliwanag ni Willy.

Nakarekober ng isang suicide note sa tabi ng labi ng biktima na may nakasulat na – “Mame, Hwag nyo po kalimutan na mahal ko kayo, Lei”

Itinanggi naman ni Willy na sa kanya ang baril na ginamit sa pagpa­pa­kamatay ng kanyang anak at iginiit na may iba siyang baril na may lisensya.

 

Show comments