Burol ni Kristel dinagsa sa UP-Manila
MANILA, Philippines - Dinagsa ng libung kaÂtao na nakikisimÂpatiya sa pagpanaw ng freshman student ng University of the Philippines (UP) MaÂnila ang burol ni Kristel Tejada na panÂsamantalang inilagak sa Rizal Hall ng UP-Manila na nanatiling suspendido pa ang klase.
Kahapon ng alas-9:30 ng umaga nang dumating ang labi ni Kristel mula sa Santuary Funeral Homes sa Sta. Cruz, Manila na sinaluÂbong ng mga sumuporta na pawang nakasuot ng itim.
Makikita rin sa daanan patungong Rizal Hall ang ilang mga mensahe para kay Kristel ng kanyang mga kaklase at kaibigan na nakasulat sa mga puÂting tarpaulin.
Inilipat ang labi ni TeÂjada sa UP-MaÂnila para maÂbigÂyan ng huling respeto at necroÂlogical serviÂces ng kanyang mga kaibigan, propesor at kaeskwela.
Sa stage ng Rizal Hall idiniretso ang labi ni Kristel at dito kasamang naka-display ang mga naÂging uniÂform niya sa UP, mga medalya at awards.
Dakong alas-10:00 ng umaga nang sinimulan ang public viewing kay Kristel kung saan nag-alay ng buÂlaklak ang unang 1,000 suÂmilip sa labi nito.
Tumagal ang unang public viewing hangÂgang 12:00 ng tanghali na pansaÂmanÂtaÂlang itinigil para sa misa at muli itong binukÂsan sa publiko ganap na alas-1:00.
Ngayong umaga ay magpapalipad ng pula at puÂting lobo ang mga esÂtudyante ng UP-Manila sa labas ng gate ng College of Arts and Sciences at bandang alas-9:00 ng umaga ay funeral march patungo sa Mehan Garden, dadaan sa Rizal Avenue kung saan naman naghihintay ang ilang militanteng grupo, estudyante at kaibigan para magsaboy ng confetti sa kabaong ni Kristel, bago tuluyang bumalik sa Sanctuary Funeral Homes sa Sta. Cruz, Maynila kung saan gaganapin ang huling lamay.
- Latest