MANILA, Philippines -Wala umanong intensiyon ang naarestong si Pee Jay Romero, 28, miyembro ng Genuine Ilocano na daÂting ex-convict para paÂtayin ang biktimang si Rowena Calo, 42, ng 1064 Negros St., Sampaloc, MayÂnila, na isang professor ng UniverÂsity of the East-MaÂnila unang napaulat na guiÂdance counselor noong Lunes ng hapon kung hindi lang siya nairita dito nang buÂngangaan at kagalitan.
Ito ang inihayag ng susÂpek, matapos na maaÂresÂto ng mga otoridad kahapon ng alas-6:15 ng umaga haÂÂbang hinihintay ang kanÂyang nobya sa Sta. Rita, BuÂlacan Terminal upang isama sa pagtatago sa laÂlaÂwigan.
“Nagkabanggaan kami paglabas ko sa pinto, ilaÂlabas ko yong mga bote na pinag-inuman namin nagalit na agad nagdadakdak, siÂnampal ko iyong bunganga tapos sinakal ko at saka ipiÂnasok ko sa loob ng kuwarto niyaâ€, anang suspek.
Itinanggi nito na ginaÂhaÂsa niya ang biktima, na ang nangyari umano ay naka-tuwalya lang ito mula sa banyo nang kaniyang makasalubong at mabangga. Sinakal niya at hiÂnila papasok ng kaniyang inuupahang silid, dahil iisang bubong ang kanilang inuupahan bagamat magkaibang silid.
Ang walang saplot na katawan ay sanhi lamang umano ng pagkalaglag ng tuwalya nang pumapalag ito, ngunit inamin na kanyang binigti ng sinturon para makatiyak na hindi na ito mabubuhay pa.
“Lagi na lang siyang nagagalit sa amin ng girlfriend ko, maingay daw kami sa kuwarto naminâ€, dagdag pa ng suspek.
Narekober rin ng pulisya ang dalawang cell phone at piggy bank ng biktima na naglalaman ng P15,000.
Nabatid na isang ex-conÂvict si Romero na naÂsentensiyahan sa TuguegaÂrao, Cagayan sa kasong atÂtempted homicide.