Kelot tumalon mula sa ika-29 palapag ng condo

MANILA, Philippines -Isang hindi pa nakilalang lalaki ang nasawi nang tumalon ito mula sa ika-29 palapag ng isang condominium sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na inaalam pa ng pulisya ang pag­kaka­kilanlan na nasa hustong gulang ay bumagsak mula sa tuktok ng Asian Mansion 2 Condotel na nasa kanto ng Dela Rosa at Nieva Street, Makati City dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na hindi nakatira ang nasabing biktima na hinihinalang basta na lamang umakyat sa penthouse na nasa ika-29 na palapag at saka tumalon.

Sumabit muna ito sa “high-tension wire” na may 24,000 boltahe ng kuryente na sanhi ng narinig na pagsabog. 

 

Show comments