MANILA, Philippines -Natagpuang patay na pinaniniwalang ginahasa ang isang 42-anyos na dalaga, kawani ng University of the East (UE) matapos natagpuang huÂbo’t hubad sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.
Ang biktima na pinatay sa pamamagitan ng pagsakal ng sinturon ay nakilalang si Rowena Calo, dalaga, senior clerk sa guidance counselor ng University of the East (UE) at residente ng 1064 Negros St., Sampaloc.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si PJ Romero, 29, na nanunuluyan sa katabing kuwarto ng biktima.
Batay sa ulat ng pulisÂya, bago nadiskubreng patay ang biktima dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa loob ng inuÂupahang kuwarto ay huli itong nakitang buhay ng kapatid na si Rizza dakong alas-7:30 ng umaga na iniwan niya upang pumasok siya sa trabaho.
Gayunman, dakong alas-12:00 ng tanghali nang tinawagan si Rizza ng kasamahan sa trabaho ng kanyang ate at tinatanong kung bakit hindi ito pumasok.
Kinabahan si Rizza kung kaya’t nakisuyo ito sa pinsang si Ronald Aquino na puntahan ang biktima sa bahay at tanungin kung bakit hindi pumasok.
Nang nakarating si Aquino kasama ang ina ng biktima sa inuupahang kuwarto ay nakakandado ito.
Kaya’t puwersahan nilang binuksan ang pinto at tumambad sa kanila ang walang saplot na bangkay ng biktima na nakatihaya sa kama na may takip ng unan ang mukha na ang leeg ay napuluputan ng sinturon.
Nawawala ang cellphone ng biktima at P15,000 nitong pera.
Sa pahayag sa pulisya ng mga kapitbahay na sina Clint Anthony Bantay at Carolino Samson na kasama nilang nag-inuman ang suspek hanggang sa iwan nila ito na gising pa.