SC pinigil ang implementasyon ng RH law
MANILA, Philippines -Nagpalabas kahapon ang Korte Suprema ng status quo ante order na nagpapatigil sa loob ng 120 araw o apat na buwan sa implementasyon ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012.
Sa isinagawang en banc session kahapon, nabatid na 10 mahistrado ang bumoto pabor sa pagpapatigil ng implementasÂyon ng kontrobersiyal na batas na kinabibilangan nina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo De Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Roberto Abad, Martin Villarama Jr., Jose Perez, Jose Mendoza at Bienvenido Reyes.
Habang sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Estala Perlas-Bernabe, Mariano Del Castillo at Marvic Leonen ay bumoto kontra dito.
Itinakda ang oral arguments sa Hunyo 18, 2013, alas-2:00 ng hapon.
Sisimulan sana ang implementasyon ng RH law sa darating na Marso 31 matapos ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations nito.
- Latest