MANILA, Philippines - Isang graduating student na tatlong araw na lang bago umakyat sa entablado ang nasawi matapos na ito umano ay mag-collapse habang nagpa-praktis ng kanilang graduation rites sa loob ng kanilang paaralan sa Quezon City kahapon.
Ayon sa impormasÂyong ibinigay ng isang kaklase ng biktima, nakilala ang nasawi na si Rodesto Michael Lacerna, 15, 4th year high school student ng Philippine Science High School na matatagpuan sa Brgy. Pagasa.
Ang biktima ay idiÂneklarang dead on arrival sa may Philippine Children’s Medical Center matapos itong mabuwal. Batay sa ulat, ganap na alas-9:00 ng umaga sa loob mismo ng nasabing paaralan, partikular sa school gymnasium na kung saan ay nasa kainitan ng pagsasanay ang mga 4th year student para sa gagawing commencement exercise ng mga ito, nang biglang bumuwal ang biktima.
Sa pagbuwal nito ay agad na nawalan ng ulirat ang biktima, kaya’t mabilis na isinugod sa school clinic, para magamot.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng otopsiya ang mga doktor ng ospital upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima na tatlong araw na lang sana ay aakyat na ito ng entablado para sana sa kanyang pagtatapos sa high school.