419 kilo ng Botcha, kinumpiska
MANILA, Philippines - May kabuuang 419 kilo ng ‘double dead’ na karne o botcha ang nasabat at kinumpiska ng mga tauhan Veterinary Office ng Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Ang nasabing botcha ay nakita at kinumpiska sa palengke sa 3rd Avenue, Grace Park sa lungsod.
Nabatid na nagsasagawa ng regular na inspection ang mga tauhan ng City VeteÂrinary Office sa palengke sa 3rd avenue nang masabat ang mga botcha na hindi pa natitilad.
Wala namang naaresto ang mga otoridad dahil sa basta na lamang iniwan ang mga botcha nang malaman na parating ang mga tauhan ng Veterinary Office
Binalaan naman ni CaÂlooÂcan City Mayor Enrico Echiverri ang mga negosÂyante na tigilan na lamang ang pagtitinda ng karneng botcha dahil malaking abala ang sasapitin ng mga ito sakaling mahuli ng mga awtoridad bukod pa sa masamang epekto nito sa katawan ng taong makakakain nito.
- Latest