Kiram family nagpasaklolo sa PAO
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo sa PubÂlic Attorney’s Office (PAO) ang mga tagasuÂporta ni Sultan Jamalul Kiram III na nahaharap sa patung-patong na kaso sa Tawi-Tawi sa gitna ng pagkakasangkot sa standoff sa Sabah.
Nabatid na sumulat ang anak na babae ni Sultan Kiram na si Princess Carolyn T. Kiram ng Kasanyangan Village sa Jolo, Sulu kay PAO chief Persida Rueda-Acosta upang humingi ng legal assistance para sa kanilang mga tagasuporta na nahaharap sa kasong illegal possesion of firearms at inciting to war.
Hiniling din ng kampo ng mga Kiram sa PAO na magsagawa ng imbestigasyon sa mga ulat na matinding paglabag ng karapatang pantao sa mga evacuees na nagmumula sa Sabah.
Sa liham ni Princess Carolyn kay Acosta na may petsang Marso 13, hiÂniling nito na mabigyan ng mga abogado ang kanilang mga supporters at evacuees na nakaranas ng pagmamaltrato ng Malaysian police forces sa Sabah.
Nakikipag-ugnayan na ang PAO sa Department of Foreign Affairs at Department of Justice hinggil sa mga kahilingan ng mga evacuees kabilang na ang pagbibigay ng travel documents sa mga naiwang kaanak ng mga evacuees na pinag-aaresto ng Malaysian police at military dahil sa kawalan ng pasaporte at iba pang dokumento sa Sabah.
- Latest