4th year HS pinagbabaril, todas

MANILA, Philippines - Tatlong tama ng bala sa dibdib ang tumapos sa isang 18-anyos na lalaki na magtatapos ng high school ngayong buwan matapos itong pagbabarilin ng mga kalalakihan kamakalawa sa Brgy.Arena Blanco, Zamboanga City.

Hindi na makakatungtong pa ng entablado ang biktima na nakilalang si Faizal Darkis, 4th year high ng Arena Blanco National High School at residente ng Princesa Drive, Brgy. Talon-Talon ng lungsod.

Ayon kay Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 bandang alas-9:10 ng gabi  ay kasalukuyang nasa bisinidad ang biktima sa kahabaan ng 5th Street, Sibigtul Drive, Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek.

Nang masiguro ng mga suspek na patay na ang kanilang target ay mabilis na tumakas ito sakay ng motorsiklo.

 

Show comments