^

Police Metro

Sinasakyang motorsiklo sumalpok… 3 estudyante tepok sa van

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang umano’y pag-overtake ng isang motorsiklo na kinalululanan ng tatlong estudyante ang dahilan sa kanilang kamatayan matapos bumangga sa kasalubong na delivery van sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela kahapon ng umaga.

Namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang mga biktimang sina George Catulos Jr., 20; at Bartolome Flores, 18 habang namatay sa pinagdalhang ospital ang isa pang angkas na si Johhny Medina, 19.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga ay sa­kay ang mga biktima ng mo­tor­siklo na minamaneho ni Catulos at mabilis na bi­na­baybay ang nasabing high­way nang mag-overtake ito sa isang sasakyan sa kanilang unahan.

Pagdating sa crossing ay nasalpok ito ng Isuzu closed van (ZGJ 684) na minamaneho ni Edison Solis na kung saan ay pumailalim ang tatlo at nakaladkad pa ng may 100 metro na ka­ni­lang ikinasawi.

Ang driver ng van na si Solis ay kinasuhan ng reckless imprudence resul­ting to multiple homicide at damage to property.

vuukle comment

BARTOLOME FLORES

BATAY

BRGY

CATULOS

EDISON SOLIS

GEORGE CATULOS JR.

ISABELA

JOHHNY MEDINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with