MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pulis matapos itong barilin ng isang salarin habang naglalaro ng tong-its kaÂmakalawa ng gabi sa Pasay City.
Ang nasawing biktima dahil sa tama ng bala sa katawan ay nakilalang si PO3 Alberto Aladano, 48, nakatalaga sa NCRPO-Regional Personnel Holding and Auditing Unit (RPHAU) at residente ng 6-A Minahan St., Marikina City.
Nasugatan naman sa tama ng ligaw na bala sina Marisa Sese. 44, ng Blk. 9, Lot 6 Acacia St., Bo. Sto. Niño at Delima Habingan, 54.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi ay naglalaro ang biktima ng tong-its sa may panulukan ng Acacia at Lawaan Sts., ng naturang siyudad nang magkatinginan sila ng suspek.
Hindi umano ito pinanÂsin ng biktima nang bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek.
Patuloy ang imbestiÂgasÂyon ng pulisya at bineÂberika ang nakuhang imporÂmasyon hinggil sa umano’y pagkakasangkot ni Aladano sa droga.