MANILA, Philippines - Bangkay na nang maÂÂÂtagpuan ang isang 49-anyos na DaÂnish natioÂnal sa sofa ng kanyang inuÂÂupahang bahay kaÂhaÂpon ng umaga sa OlonÂgaÂpo City.
Ang biktima ay nakiÂlalang si Soren AnÂdreasen, na nangunguÂpahan sa #5 Gabaya St. Barangay BarÂretto, ng lungsod.
Hubad ang kalahating katawan at naka-underwear lang na nakahandusay sa kanyang sofa sa inuupahan nitong bahay.
Ayon kay Eduardo Acosino, caretaker ng paÂupahang bahay madalas umanong humihingi ng tuÂlong sa kanya ang biktima dahil sa pananakit ng kanÂyang sikmura, subalit ayaw naman nitong magÂpadala sa pagamutan sa kadahilanang kapos umano ito sa pera.
Sinabi naman ng isang kasambahay nito na may labas-pasok umanong babae sa bahay ng biktima noong gabi at nag-aaway bago natagpuang patay ito kahapon.