^

Police Metro

Niratrat habang nakatalikod... pulis wagi sa suntukan, niresbakan ng bala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagwagi man ang isang pulis sa pa­kikipagsuntukan sa kanyang kaaway na ka­pitbahay, niresbakan naman siya nang pag­babarilin habang nakatalikod naganap kama­kalawa sa Brgy. Poblacion, Sibagat, Agusan del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si SPO3 George Galdiano, miyembro ng Butuan City Police, naninirarahan sa Purok 8-A, Poblacion Sibagat ng lalawigan.

Nasugatan din sa insidente matapos tamaan ng ligaw na bala ang by­stander na si Nueve Ba­niada, nasa hustong gulang na dinala na sa DO Memorial Hospital sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Giljean Villanueva, residente ng Purok 14, Poblacion, Sibagat na kaalitan ng pulis sa pinag-aagawan nilang lupain sa kanilang lugar.

Sa ulat na natanggap ni CARAGA Spokesman Supt. Martin Gamba, dakong alas-9:30 ng umaga ay nagkaroon ng komprontasyon ang suspek at biktima sa isyu ng kontrata sa pinag-aagawan nilang lupain sa Purok 14, Brgy.Poblacion, Sibagat ng nasabing lalawigan.

Nagsuntukan ang suspek at biktima na kung saan ay natalo ang una.

Inakala ng biktima na tapos na ang kanilang suntukan kung kaya’t tinalikuran nito ang suspek subalit, bumunot ito ng baril at pi­nagbabaril ang una.

Matapos ang insidente  ay boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang suspek bitbit ang 9 MM beretta pistol nito na ginamit nito sa pagpatay.

AGUSAN

BRGY

BUTUAN CITY POLICE

GEORGE GALDIANO

GILJEAN VILLANUEVA

MARTIN GAMBA

MEMORIAL HOSPITAL

PUROK

SIBAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with