Bagong layang preso natagpuang nakabigti

MANILA, Philippines - Natagpuang nakabigti ang isang bagong layang preso sa holding area ng Pasig City Hall of Justice kahapon ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Ambro Rajamundo, nasa hustong gulang at residente ng Villas Subd., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat dakong alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang nakabigting biktima na gumamit ng kadena sa pintuang bakal ng nasabing holding area.

Narekober din mula sa biktima ang isang certificate of discharged mula sa pagkakakulong nito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nagpayong, Pasig City noong 2002 sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o illegal possession of drugs at ito lang Pebrero 14 ng taon ay napawalang-sala ito.

Show comments