Electrician nakuryente, patay
MANILA, Philippines - Isang electrician ang nasawi matapos itong makuryente habang nagtatrabaho sa isang itinatayong gusali ng hotel sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City.
Ang nasawi ay nakilalang si Arnold Valerio, 42-anyos na matagal ng nagtratrabaho bilang electrician at tubong BaÂlingasag, Misamis OrienÂtal.
Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, dakong alas-8:00 ng umaga nitong Martes nang maÂdiskubre ang bangkay ng biktima sa ikaapat na palapag ng itinataÂyong 36 storey hotel Âsa lungsod.
Ang bangkay ng biktima ay kinakitaan ng mga paso o sunog sa katawan sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan nito.
Hindi umano napansin ng mga kasamahang mangagawa ang biktima ang sinapit nito kung saan nitong Lunes ng hapon ay posibleng nakuryente ito at kahapon lamang ng umaga nadiskubre ang insidente.
- Latest