9 na opisyal ng Navy na sangkot sa ‘Pestano’ murder, sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko kahapon sa Hall of Justice ng Naval Justice Advocate General sa Taguig City ang siyam sa 10 Navy officials na sangkot sa kasong pagpaslang sa Navy ensign na si Phillip Pestano noong 1995 makaraang muling mabuhay ang kaso sa Manila Regional Trial Court.
Ito ay makaraang maglabas ng warrant of arrest si Judge Josefina Siscar ng Manila RTC branch 55 laban sa mga suspek kaugnay ng pagkasawi ni Pestano.
Kasama ang kanilang abogado, sumuko sina ret. Navy Capt. Ricardo Ordonez, Cmdr. Reynaldo Lopez, Lt. Cmdr. Luidegar Casis, Lt. Cmdr. Alfrederick Alba, Lr. Cmdr. Joselito Colico, mga enlisted personnel na sina Hospital Man 2 Welmenio Aquino, Machinery Repairman 1st Class Sandy Miranda, ret. PO1 Carlito Amaroso at PO2 Leonor Igcasan.
Hindi naman nakarating si Lt. Cmdr. Ruben Roque na matagal na ring retirado at sa Estados Unidos na naninirahan.
Sinabi ni Atty. Ana Luz Cristal, legal counsel ng mga akusado, na ikinagulat nila ang muling pagkabuhay sa kaso makalipas ang halos 18 taon makaraang ma-dismiss na ito sa Sandiganbayan ng dalawang beses at lumabas sa imbestigasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na “suicide†ang naganap kay Pestano at hindi murder.
Matatandaan na natagpuang patay ang noo’y 24-anÂyos na si Pestano sa loob ng cabin ng BRP Bacolod City noong Setyembre 27, 1995 bago dumaong sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila. Nagtamo si Pestano ng tama ng bala sa ulo.
- Latest