Pagbitay sa OFW muling naudlot
MANILA, Philippines - Muling naudlot ang nakatakda sanang pagbitay ngayon sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joselito Zapanta sa Saudi Arabia matapos na magbigay ng panibagong 3-buwang extension ang Saudi goÂvernment upang maibigay ang P44 milyong blood money na hinihingi kapalit ng buhay at kalayaan ng Pinoy.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs’ Concerns na naging positibo ang tugon ng Saudi King sa liham at kahilingan ni Pangulong Benigno Aquino III, at pamilya Zapanta, 32-anyos, tubong Pampanga na sagipin sa takdang pagbitay kay Zapanta.
Ang ina at kapatid na babae ni Zapanta ay nasa Riyadh sa tulong ng Office of the Vice President at Department of Foreign Affairs (DFA) upang personal na makiusap sa Saudi authorities at pamilya ng napatay na Sudanese national na ma-extend ang palugit na ibinigay sa kanila upang maipasa at makalikom ng P44 milyong o 4 milyong Saudi Riyal na blood money.
 Si Zapanta ay nagtatrabaho bilang tile setter ay hinatulan ng kamatayan ng Saudi Court of First Instance noong Abril 2010 matapos na mapatay at umano’y pagnakawan pa ang Sudanese landlord noong Hunyo 2009.
- Latest