Tserman niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Ronald Legazpi, 46-anyos, chairman ng Brgy. Libutan, Meycauyan, Bulacan matapos itong pagbabarilin habang naglilinis ng kanyang kotse sa Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga sa isang bahay ng biktima  sa Alcanar St., Barangay Wawang Pulo ng nabanggit na lungsod ay nililinis nito ang bagong niyang kotse na Honda City na wala pang plaka nang sumulpot ang mga suspek na nakamotor at paulanan ng bala ang biktima.

Show comments