^

Police Metro

P2.5-M puslit na bangus nakumpiska

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2.5 milyon halaga ng mga puslit na kahon-kahong illegal na kargamento ng bangus na nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) nang magsagawa ng inspection sa bodega ng dalawang cargo company sa Pasay City noong Sabado ng hapon.

Ito ang natanggap na ulat ni Customs Commissioner Ruffy Biazon mula kina NAIA District Commander Marlon Alameda at   Assistant Chief and Investigation Customs Police Byron Carbonell, ng  BoC, Task Force React.

Batay sa ulat, dakong alas-4:42 ng hapon nang magsagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon, sa bodega ng Pair Cargo at dito ay nakumpiska ang 88 kahong mga isdang bangus, na ibiniyahe  sa Flight SQ916 at ang 61 kahon naman ay isinakay mula sa Flight CX905.

Pagkatapos sa warehouse ng naturang cargo company, ay nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni Bia­zon sa warehouse naman ng Miascor Cargo at nasamsam dito ang may 210 na kahon na naglalaman ng mga isdang bangus.

Sa isinagawang berepikasyon ng BoC mula sa Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) na walang permit ang naturang mga kargamento na inaalam pa ang mga pangalan ng consignee nito na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Section 2530 of the TCCP as amended in Republic Act 8550, Fisheries Code of 1998.

vuukle comment

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS POLICE BYRON CARBONELL

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF FISHERIES AND AQUA

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

FISHERIES CODE

MIASCOR CARGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with