MANILA, Philippines - Nagpatupad na rin ng kanilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang tinaguriang Big 3 oil companies, Linggo ng madaling-araw. Dakong alas-12:01 ng madaling-araw nang sabay-sabay na magpatupad ng bawas-presyo ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, at ang Chevron Philippines.
Nasa P.90 sentimos kada litro ang itinapyas ng Pilipinas Shell sa kanilang premium at unleaded gasoline at diesel habang P1 kada litro sa kerosene rin ang ibinaba. Wala namang paggalaw sa presyo ng regular gasoline.
Ganito ring halaga sa parehong mga produkto ang itinapyas ng Chevron.
Bahagyang naiba naman ang rollback ng Petron na nagtapyas din ng P.90 sentimos kada litro sa premium at unleaded gasoline at P1 naman sa diesel.
Una nang nagpatupad ng rollback nitong nakaraang Sabado ang Seaoil at Flying V.
Epekto pa rin ang rollÂback sa pagbaba ng halaÂga ng contract price ng krudong inaangkat ng mga oil companies at inaasahan pang bababa sa mga susunod na linggo.