2 buko vendor dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Dalawang magkaibigan na buko vendor ang kapwa nasawi matapos silang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na naganap sa Brgy. Mataas na Lupa, Indang, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Christopher Ugana, 32-anyos at Nelson Roxas, 54- anyos.

Batay sa imbestigas­yon, ganap na alas-7:20 ng gabi ay nagkukuwentuhan ang mga biktima sa tricycle ni Roxas sa gilid ng kalsada sa tapat ng tindahan nito ng buko.

Habang nagkukuwentuhan ay dumating ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang suspek at pagtapat sa mga biktima ay agad silang pinagbabaril.

Nang bumulagta ang dalawa ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Show comments