MANILA, Philippines - Isang American national na kinilalang si Lance David Lomako ang dinakip kamakalawa ng alas-7:00 ng gabi ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang entrapment operations sa isang coffee shop sa The Fort, Taguig City kaugnay ng pagbebenta nito ng mga credit card at bank accounts information.
Habang iniimbestigahan si Lomako ay inamin nito na naka-store sa kanyang laptop ang 200,000 credit cards at bank information na inisyu ng iba’t ibang bangko sa Pilipinas.
Nabatid na ang suspek ay matagal nang tinutugaygayan ng PNP-CIDG operatives dahilan sa illegal nitong aktibidades.
Makikipagkoordinasyon ang PNP-CIDG sa Credit Card Association of the Philippines at Bank Security Management Association hinggil sa isasagawang imbestigasyon laban sa naturang dayuhan na nahaharap sa kasong pagÂlabag sa Republic Act 8484-An Act Regulating the Issuance and Use of Access Devices dahilan sa pagbebenta nito ng impormasyon sa credit cards at bank accounts ng mga binibiktimang indibidwal.