MANILA, Philippines - Hindi lang ang mga Royal Army ng pamilyang Kiram ang binabaril ng Malaysian authorities kundi maging ang mga babae at batang Pinoy sa Sabah.
Ito ang inihayag kahapon ni Princess Jacel Kiram sa isang pulong-balitaan kahapon sa Maharlika Village, sa Taguig City, matapos isang babae ang kanyang nakausap sa telepono at sinabing pinagbabaril ang isang buntis na babae at isang bata ang kabilang sa mga “casualty†sa nagaganap na barilan.
Sinabi ni Princess Jacel na sa kabila ng “maximum tolerance†at pagdedeklara ng Sultanate of Sulu ng “unilateral ceasefireâ€, “maximum violence†naman ang sagot ng militar ng Malaysia na nagsasagawa na ng “indiscriminate firing†sa lahat ng Filipino na nasa Sabah.
Sinabi rin ng prinsesa na sa pagitan na ng pamilya Kiram at ng gobyerno ng Malaysia ang negosasyon sa pagmamay-ari ng Sabah at wala nang kinalaman ang pamahalaan ng Pilipinas makaraang magtapos na umano ang resolusyon na binibigyan ng pamilya Kiram ang pamahalaan ng Pilipinas na maging representante ng Sultanato at makipagnegosasyon sa Malaysia.
Nakalagay umano sa kasulatan na sa loob ng 20 taon at wala pa ring magawa ang gobyerno ng Pilipinas, mag-e-expire na ang authority at babalik na ito sa Sultanato ng Sulu.
Naipasa ang resolusyon sa panahon ng namayapagang Sultan Esmail Kiram I at dating Pangulong Diosdado Macapagal.