Lider ng carnapping group, 1 pa timbog

MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang lider at isang tauhan ng  carnapping at robbery group  sa isinagawang police operation kamakalawa sa Pasig City.

Ang mga suspek ay ki­nilalang sina Robert Joseph Paguia, 38, ng no.6 Ago­ho St., Octagon Subdivision, Brgy. Dela Paz, Pasig City na siyang pinuno ng Paguia robbery/carnapping group at tauhan na si Rodel Macalino, 30, ng 29 M. Roxas St., Brgy. San Roque, Marikina City.

Batay sa ulat, nadakip dakong alas-11:00 ng umaga ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/ Insp. Bat Sumulong, sa harapan ng Pasig City Hall of Justice sa Brgy. Malinao, Pasig City.

Magugunita na una nang nadakip ang tatlong miyembro ng grupo noong Enero 12, 2012 na nakila­lang sina Mayo Cortiz, Mark Angelo Eneria at Rodrigo Pito sa Brgy. Dela Paz na nagresulta pa sa isang engkuwentro.

Gayunman, nakalaya ang mga suspek matapos payagan ng hukuman na
makapaglagak ng piyansa.

Bukod sa mga kasong robbery at carnapping ay sangkot rin umano ang grupo sa ilang kaso ng attempted homicide, illegal possession of firearms at illegal drug.

 

Show comments