MANILA, Philippines - Hinamon ni Senador Aquilino “Koko†Pimentel III ang Commission on Elections (Comelec) and Smartmatic, International na ipakita sa mga partidong political at iba pang sektor ang ‘source code’ na gagamitin sa precinct count optical scan (PCOS) machines para sa nalalapit na May 2013 elections.
“Isa itong seryosong bagay,†paliwanag ni Pimentel hinggil sa source code na kailangang ipakita sa publiko batay sa RA 9369 o Election Automation Law.
“Isang isyu ito na magpapakita sa kredibilidad ng halalang ito kaya nga nakasaad na dapat masiyasat ito ng mga partidong political. Kaya hinahamon ko ang Comelec at Smartmatic na ipakita ninyo sa amin ang source code.â€
Inilabas ni Pimentel, tumatakbo para sa bagong termino sa Senado, ang hamon sa pinag-isang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Automated Election System na pinamumunuan niya at ng Senate Commitee Electoral Reforms & People’s Participation sa ilalim ng reeleksiyonista ring si Sen. Alan Peter Cayetano.
Idiniin rin ni Pimentel ang katotohanan na ang kredibilidad ng halalan ay ‘bihag’ o naiipit sa demandahan ng Dominion VoÂting Systems Incorporated at Smartmatic sa United States na nakakaapekto sa paglalabas ng source code para sa halalan sa Mayo.
Ang source code ay nakatakdang instruksiyon na nababasa ng tao na naglilinaw kung ano ang gagawin ng PCOS machine. Hawak ito ngayon ng pandaigdig na kompanyang nagsesertipika na SLI Global Solutions na tutugon kung ano ang iaatas ng korte sa demandahan ng Dominion at Smartmatic.
Aminado si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na nakikipagnegosasyon sila sa Dominion at tiwalang makukuha ang source code. Ngunit kahit wala ito, tuloy pa rin ang halalan dahil meron namang ‘binary code’ ang Comelec.