Zaldy Ampatuan hiniling sa korte na makadalo sa graduation ng anak
MANILA, Philippines -Hiniling ni dating Maguindanao governor Zaldy Ampatuan, isa sa pangunaÂhing suspek sa 2009 Maguindanao massacre case na bigyan siya ng pahintulot ng QC court na makapunta sa Cotabato City para dumalo sa graduation ng panganay na anak sa March 24.
Sa dalawang pahinang kahilingan, sinabi ni AmpaÂtuan na nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City na sana ay mapagbigyan siya ng QC court sa kanyang kahilingan dahil gusto niyang makasama ang anak sa mahalagang araw na ito.
Sinabi ni Ampatuan na siya ay handang maglagak ng travel bond na igagawad sa kanya ni QC RTC branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Ang anak ni Ampatuan na si Prince Sufri Norabbie Ampatuan, 19 ay magtaÂtapos sa Albert Einstein School sa Cotabato City.
Niliwanag din ni Ampatuan sa pamamagitan ng abogadong si Atty Ashlin Clint Co na walang plano ang kanyang kliyente na tumakas kaya’t sana ay maÂpayagan siyang makapunta sa graduation ng anak.
- Latest