MANILA, Philippines - Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa 21 pulis na pinangungunahan ni Supt.Hansel Marantan at sa 14 na sundalong sangkot sa Atimonan incident na ikinasawi ng 13 katao sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa press conference kahapon, batay na rin sa report ng NBI hinggil sa nangyaring operasyon ay napatunayang walang naganap na palitan ng putok o shootout kundi ang layunin lamang ng operasyon ay ang pamamaslang sa hinihinalang jueteng operator na si Vic Siman at mga kasamahan.
“All indications point to a rubout,â€ani De Lima.
Kasama rin sa kakasuhan ang nasibak na Calabarzon PNP Regional Director Chief Supt. James Melad habang pinangungunahan naman ni Lieutenant Colonel Monico Abang ang mga kakasuhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Bukod pa ito sa kasong administratibo sa mga pulis na inaprubahan noon ni PNP Chief General Alan Purisima.
Maliban sa multiple murder cases, kakasuhan din ng obstruction of justice ang mga respondent na pulis at sundalo.
Inihayag pa ng kalihim na batay sa physical at forensic evidence na nakalap ng NBI, na malapitan umano ang pabaril sa grupo ni Vic Siman, at tatlong iba pa dahil muzzle ng baril na may nasa 36 na talampakan.
Giit ng kalihim na batay sa kanilang findings may tampering sa crime scene.
Sa kabuuan ay umaabot sa 190 bullets ang pinatama sa unang Montero SUV at 61 bullets naman sa ikalawang SUV.
Sa 64-pahinang finÂdings and recommendation ng NBI, kabilang sa mga pinakakasuhan ay sina Police Chief Supt James Andres Melad, Marantan, P/Insp John Paolo Carracedo, SPO1 Arturo Sarmiento, P/Supt Ramon Balauag, P/Insp Timoteo Orig, SPO3 Joselito de Guzman, SP01 Carlo Cataquiz, P03 Eduardo Oronan, PO2s Nelson Indal, Al Bhazar Jailani, PO1s Wryan Sardea, Rodel Talento, P/CI Grant Gollod, P/Insps. Ferdinand Aguilar, Evaristo San Juan, PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdena, PO1s EsperiÂdion Corpuz Jr., Bernie de Leon, at Allen Ayubo.
Sa panig ng AFP, kabilang sa mga kakasuhan ay sina Lt Col Monico Abang (battalion cmdr), Capt. Erwin Macalinao-commanding officer, 1Lt. Rico Tagure, TSG Melanio Balauitan Cpl. Clark Mag-usara, PFC Michael Franco, Pfc. Kirby-Tam Coronel, Alvin Roque Pabon, Ricky Jay Borja, Melvin Lumalang, Gil Gallego, PVTs Marc Zaldy Docdoc, Emergin Barrete at Michard Mangao.