MANILA, Philippines - Tinapos ng 17-anyos na dalagang ina na si JenneÂlyn Bautista, residente ng Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagpapakamatay ng biktima matapos na pumasok ito ng kanyang silid habang naghahapunan pa kasama ang pamilya.
Nang makarinig ng maÂlakas na inakalang nabasag na salamin ng bintana ang kapamilya ay napasugod sila sa itaas ng bahay.
Nakakandado ang pintuan ng silid ng biktima kaya sinilip ito ng kuya na si John Christian at mula sa bintana ay nakita ang nakahandusay na katawan ng kapatid sa kama na duguan at may katabing baril.
Winasak ang partition ng silid ng biktima at isinugod sa kalapit na MetropoliÂtan Memorial Medical Center subalit idineklara itong patay.
Nabatid na bukod sa problema sa loob ng paÂmilya, may problema pa ang biktima kung paano bubuhayin ang isang taong gulang na anak na babae matapos maanakan ng daÂting nobyo.
Posible anya na nakuha ng biktima ang baril na pag-aari ng kaniyang ama na isa umanong bumbero.