Pinoy choosy sa trabaho – DOLE

MANILA, Philippines - Isa sa mga umano’y dahilan kung bakit maraming Pilipino ang tambay ay ang pagiging mapili o maselan sa  trabaho.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) public information office Director Nicon Fameronag, dahil sa lumabas sa pag-aaral ng Department of Labor Bureau of Statistics na libu-libo ang bakanteng trabaho sa pribadong sektor, subalit hindi naman napupunan dahil umano sa pagiging mapili o choosy ng mga job seeker .

Lumilitaw na 30,000 hanggang  40,000 libong bakanteng trabaho  ang ipinapaskil ng DOLE araw-araw sa  PHILJOBNET, ang online website ng labor department para sa mga naghahanap ng trabaho. Nadiskubre rin nila na karamihan sa mga pihikan sa trabaho ay  ang bagong graduates.

Nagbigay ng paalala si Fameronag sa mga bagong graduate ng kolehiyo na huwag nang maging choosy sa pagpili ng trabaho dahil ang mahalaga ay maranasan muna nila ang pagtatrabaho sa isang kumpanya na  daan upang  mapaunlad ang kanilang mga sarili.

Show comments