SC sa Comelec: Tarpolina na ‘Team Patay’ at ‘Team Patay’ ‘wag baklasin!

MANILA, Philippines - Hindi mababaklas ng Commission on Elections (Comelec) ang oversized poster na “Team Patay” at “Team Buhay” na naka­ka­bit sa harap ng San Sebastian Church sa Bacolod City.

Ito’y matapos magpa­labas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court at inatasan din ang  Comelec na magkomento sa loob ng 10 araw hinggil sa isyu.

Itinakda ang oral argument sa Marso 19 dakong alas-2:00 ng hapon sa May­nila.

Napag-alaman na ilang beses na pinadalhan ng Comelec ng notice ang Bacolod church dahil sa nasabing oversized poster.

Ayon sa Comelec na maituturing na isang cam­paign propaganda na sakop ng kanilang regulasyon ang hakbang ng sim­bahan.

Bago ito naghain ng petition for certiorari with the application for issuance of injunction o TRO sa Korte Suprema ang Diocese of Bacolod kaugnay sa pagpapatanggal sa kanila ng Comelec ng giant poster sa San Sebastian Cathedral.

Nakasaad sa tarpolina ng “Team Patay” ang mga pangalan ng mga senador  na hindi dapat iboto sa Mayo dahil sa pagpabor ng mga ito sa Reproductive Health Law na sina Juan Edgardo Angara, Francis Escudero, Loren Legarda, Alan Peter Ca­yetano, Risa Hontiveros, Teddy Casiño at Jack Enrile. Kasama rin na hindi dapat iboto ang mga party-list groups tulad ng Gabriela, Bayan Muna, Akbayan at Anak Pawis.

Nakasaad naman ang kan­didato ng “Team Bu­hay” na sina Joseph Vic­tor Ejercito-Estrada, Anto­nio Trillanes, Gre­go­rio Ho­na­san, Mitos Mag­saysay, Koko Pimentel at Cynthia Villar na pawang hindi su­mang-ayon sa RH law.

 

 

Show comments