MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na daÂlaga ang nasawi habang ang kanyang ina at kapatid ay malubhang nasugatan makaraang mabundol sila ng isang rumaragasang kotse na minamaneho ng lalaki na nagpakilalang apo ni dating Senador Arturo Tolentino, kamakalawa sa Mandaluyong City.
Ang nasawi ay kiniÂlalang si Nikki Joy JaÂyoÂna, receptionist ng kumÂpanyang Office Lux na matatagpuan sa Boni Avenue at naninirahan sa Anakpawis 2 West Bank Road, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.
Ang kapatid nitong si Nicole, 17 at ina na si Ma. Teresa Jayona ay nasa kriÂtikal na kalagayan sa Victor R. Pontenciano Medical Center.
Ang suspek na nadakip ng pulisya ay nakilaÂlang si Joseph Tolentino, 21-anÂyos, ng Unit 5 Spring Green Townhouse, Xavierville 1, Quezon City at nagpakilalang apo sa tuhod ni dating Senador Tolentino.
Batay sa ulat, papataÂwid ang mag-iina sa westÂbound lane ng Shaw BouÂlevard, Brgy. Addition Hills para magsimba dakong alas-6:30 ng umaga nang sagasaan sila ng suspek na driver ng Honda City (NTO-231)
Tinangka pa umanong takasan ng suspek ang mag-iina subalit, nahabol ito ng isang concerned citizen na nakamotor at naharang ito hanggang sa makahingi ng saklolo sa mga otoridad.
Nahaharap ngayon sa kasong homicide at double frustrated homicide thru reckless imprudence sa korte ang suspek na hinihinalang nasa impluwensya ng alak nang maganap ang aksidente.