Club at bars tinututukan sa Pasay… Kampanya vs AIDS pinalakas
MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang kampanya laban sa nakakahawang sakit na Acquired Immune Defficiency Syndrome (AIDS) at iba pang Sexually Transmitted Disease (STD)†sa mga night clubs at entertainment bars sa pamamagitan ng pagpapakalat ng “information materials†para sa mga entertainment workers at mga kliyente.
Ayon kay Mayor Antonino Calixto, ang nilalaman ng mga information materials ay “diagnosis†o pagtukoy sa sakit, at “treatment preventionâ€.
Inatasan ng alkalde si City Health Office head Dr. Cesar Encinares para sa mabilis na pag-iikot sa lahat ng bars, clubs at maging mga lodging houses at matiyak na nakakabit ang information materials sa loob ng mga establisimiyento.
Nakapaloob rin ang anti-AIDS campaign sa programang Travel City upang kilalanin ang lungsod ng Pasay na “entertainment at leisure center†ng Pilipinas. Ibinase ang kampanya sa inaprubaÂhang Implementing Rules and Guidelines ng City Ordinance no. 2341 o ang Pasay City Aids Prevention and Control Ordinance.
Inaatasan ng Pasay City Health Office ang lahat ng entertainers na dumalo sa anti-AIDS/STD seminar bago maÂbigyan ng Mayor’s Permit at Occupational Health Permit.
Sa rekord ng Department of Health, nakapagtala ng limang kaso ng pasyente na may AIDS mula Enero hanggang Setyembre 2012.
- Latest