MANILA, Philippines - Pitong bala ng shotgun ang ibinaon ng isang security guard sa isang 19-anyos na binata na sumugod dahil sa pakikialam ng una sa riot ng kalabang gang malapit sa gate ng binabantayang subdivision kahapon ng madaling-araw sa Brgy.Bayan Luma 7, Imus City, Cavite.
Ang biktima na diÂneklarang dead on arrival sa Our Lady of Pillar Hospital sa Imus City ay kinilalang si Vladimir Teves Jr. Ang suspek na nadakip sa isang follow-up operation ay nakilalang si Richard Marto, security guard ng Villa Celina Subdivision, Brgy. Bayan Luma 7.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-1:20 ng madaling-araw ay naka-duty ang suspek sa gate ng subdivision nang mamataan ang dalawang grupo ng kabataan na nakatakdang mag-riot.
Nagtangkang umawat ang sekyu sa mga kabataan subalit siya ay pinagbabato umano at sinugod umano ng biktima.
Napilitan ang suspek na paputukan ang biktima ng dalang shotgun na ikinasawi nito. -Joy Cantos, Cristina Timbang-