MANILA, Philippines - Sinisi kahapon ni SeÂnate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa ulat na nagamit ang pondo niya at nina SenaÂte President Juan Ponce Enrile at Senator Ramon Bong Revilla Jr. sa mga pekeng non-government organization (NGO) ng Department of Agriculture na pinamumunuan ni Sec. Proceso Alcala.
Ayon kay Estrada nagtiwala sila sa DA na totoong NGO ang pinagÂlaanan nila ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) matapos itong magbigay ng sertipikasyon.
Inamin ni Estrada na nagagalit siya dahil hindi pala nakarating sa mga magsasaka ang pondo na dapat gamitin sa kanilang pagsasaka.
Lumabas sa isang paÂÂhayag ang report ng ComÂmission Audit (COA) na tatlong senador ang naglaan ng pondo na umaÂabot sa P195 milyon sa mga kuwestiyonableng NGO noong 2011.
Kasama rin umano sa naglaan ng pondo sa pekeng NGO si dating Buhay party-list Rep. Rene Velarde na umabot sa P206 milyon.
Pagpapaliwanagin ni Revilla ang DA kung paano nakalusot ang kuwestiyonableng NGO na Pangkabuhayan Foundation Inc. (PFI).