MANILA, Philippines - Kinilala ni Sarangani Governor Miguel DoÂminguez ang naiambag ng kompanya sa pagmimina na Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa nakaraang siyam na taon na nakadagdag sa human development index sa mahihirap na munisipalidad ng lalawigan.
Inamin ni Dominguez na sa Malungon, isa sa mga munisipalidad ng Sarangani, may 30 porsiyentong dagdag sa nagpapa-enroll sa high school sa sektor ng indigenous peoples (IP) o mga katutubo dahil sa mga programang pangsuporta ng SMI.
“Dati ang Malungon ay isa sa pinakamahirap na bayan sa Sarangani pero nangunguna na ito ngayon sa pagpapatupad ng nasusustenahang programa sa public and private sector partnership,†diin ni Dominguez.
Ayon pa kay Dominguez na malaki ang naitulong ng SMI sa Sarangani sa inisyatiba kaugnay ng CBMS at katangi-tangi rin ang ambag ng SMI upang magkaroon ng extension campus ang Mindanao State University (MSU) sa Barangay MalanÂdag, Malungon sa aming lalawiganâ€.
Ani Dominguez, sa tulong nga mga pribadong kompanya tulad ng SMI ay nabawasan ang bilang ng mga out-of-school youths at nadagdagan ang antas ng mga nakakatapos sa pag-aaral sa susuunod na heneÂrasyon.