MANILA, Philippines - Nagbigay ng apat na pahinang pahayag si dating Senador Ma. Ana Consuelo “Jamby†Madrigal na kanyang isinumite sa tanggapan ni Atty. EsmeÂralda Amora-Ladra, pinuno ng Law Department ng Commission on Elections at ipiÂnabatid na inosente o wala siyang alam sa pakontes sa social network kung saan ay namumudmod ng iPad.
Sa halip, itinuturo ni Madrigal ang kanyang mga volunteer na gumawa ng naturang paligsahan na nagsimula noong Pebrero 14, 2013 na dapat ay matatapos sa Marso 14, 2013.
Aniya, na bagama’t nasa facebook at twitter accounts niya ang paanyaya, ito ay ginagawa naman ng kanyang mga volunteer at taga supporta na hindi nito pinangalanan na libre na sa serbisyo ay handa pa ring gumastos upang tumulong sa kanyang kampanya.
Kasabay nito ay pinaÂalalahanan ni Madrigal ang Comelec kaugnay sa sinasabing kinakaharap niyang kaso, dahil anya noong panahong binalangkas ang election law ay wala pang social network o internet kaya hindi pa ito maaaring gaÂmiting batayan sa kanyang magiging asunto.
Kung ipipilit naman aniya ng Comelec ang pagsusulong ng kaso laban sa kanya, dapat ay magkaroon muna ng legislation hinggil dito.