MANILA, Philippines - Matatapos ngayong Biyernes ang ultimatum ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) laban sa isang police official ng Parañaque Police Station para sumuko at harapin ang reklamong isinampa laban sa kanya kaugnay ng panggagahasa sa isang 15-anyos na dalagita na isang high school student.
Ang 36 oras na palugit ay inilabas ni SPD DiÂrector, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte niÂtong naÂkaraang Miyerkules upang sumuko si P/Sr. Insp. Mujalni Dugasan, 55, nakatalaga sa ParañaÂque Police Community PreÂcinct 3.
Ayon kay Parañaque Police acting chief, P/Sr. Supt. Andrei Felix hindi na nag-report si Dugasan sa kabila na pormal siyang ipinatawag upang sagutin ang akusasyon.
Hindi na rin umano ito natagpuan nang puntahan ng mga kapwa niya pulis sa tirahan nito sa Las Piñas City.
Ayon sa imbestigaÂsÂyon, bago ang nangyaring panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Ayessa, nagtungo umano siya sa Police Community Precint 3 sa Brgy. San Dionisio ng lungsod ng nasabing araw dahilan hinahanap niya ang kaniyang kaibigan.
Inalok naman umano siya ni Dugasan na sumaÂkay sa behikulo nitong ToÂyota Innova (ZCB-451) para ihatid na umano siya sa kaniyang bahay sa Brgy. Sto. Niño kung saan nag-drive thru orders pa umano sila sa isang food outlet.
Ipinarada ng pulis sa parking lot ng Parañaque Police Station sa may Dr. A. Santos Avenue, Brgy.San Dionisio ang sasakyan at dito umano hinalay si Ayessa.
Nagreklamo ang biktima kasama ang mga magulang sa PCP 3 ngunit bago madala sa Parañaque Police headquarters ay nagawa ni DuÂgasan na makasakay ng sasakyan at makatakas.
Bumuo na ng Task Force ang Parañaque Police at SPD para dumakip kay Dugasan habang irereÂkomenda umano ni Villacorte ang pagkakatanggal nito sa serbisyo.
Nakatakdang isampa ang kasong panggagahasa laban sa pulis kapag natapos na ang palugit para sa kanyang pagsuko.
Base rin sa rekord, naÂkatakda nang magretiro si Dugasan sa pagsapit ng ika-56 kaarawan sa daraÂting na Agosto.