MANILA, Philippines - Wala umanong balak na lisanin ng grupo ni SulÂtan Jamalul Kiram partikular si Rajah Muda Kiram at kanilang royal forces ang Lahad Datu sa Sabah kahit na nagbanta si Pangulong Benigno Aquino lll na sila ay kakasuhan.
Ayon kay Raja Mudah, ang Sabah ay pag-aari nila at hindi giyera ang kanilang pakay sa pagpunta sa Sabah kundi nais lamang nilang igiit na sila ang nag-mamay-ari.
Iginiit pa ni Rajah Mudah, kahit na pwersahan silang paalisin ng Malaysian government ay hindi sila aalis dahil naniniwala silang pag-aari nila ang Sabah at minana nila ito sa kanilang mga ninuno.
“Let God our judge,†wika pa ni Raja Mudah sa panayam sa telephone ng Malacañang reporÂters matapos magbanta ang Pangulong Aquino na kakasuhan sila at mga financiers nito sa pagtungo sa Sabah.
Iginiit pa ng kampo ni Kiram, wala silang mga financiers o nag-udyok sa kanila upang magtungo sa Malaysia kundi kusang aksyon nila ito upang igiit ang kanilang pagmamay-ari sa Sabah na pinabayaan ng gobyerno.
Nakakalungkot anya na isipin na sa kabila ng kanilang ipinaglalaÂban para sa Pilipinas ay kakasuhan pa sila ng gobÂyerno gayung hindi lamang sa mga taga-Sulu ang kanilang ipinaglalaban kundi para sa buong Pilipino.