2 proyekto ng 2KK sa Sampaloc, dinumog
MANILA, Philippines - Nagtagumpay ang dalawang mahalagang proyekto ng 2KK o “Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation†sa panguÂnguna ni Antonio “Anton†Capistrano na ginanap sa magkahiwalay na lugar noong Sabado at Linggo sa Sampaloc, Maynila.
Unang ginanap ang Job and Livelihood Fair sa Holy Trinity Parish grounds sa Balic-Balic kung saan nagsidaÂting ang mga naghaÂhanap ng trabaho, at out of school youths gayundin ang mga taong naghahangad magsimula ng maliit na negosyong pangkabuhayan.
Dinumog din ng taga-Sampaloc ang Medical and Optical Project ni Anton sa Sen. Arturo Tolentino Sports Complex sa Dapitan dahil sa dami ng nangangailangan sa libreng check-up, gamot at salamin sa mata, lalo ang mga nakatatanda.
Masayang-masaya si Anton dahil kitang-kita niya ang kinang sa mata lalo ng mga bata at matatandang napaglingkuran ng kanyang itinatag na 2KK Foundation na iikot sa buong Sampaloc.
- Latest