Anak nagnakaw, nanay dedo sa atake sa puso

MANILA, Philippines - Inatake sa puso ang isang ginang sa loob ng barangay hall habang dinidinig ang kasong pagnanakaw ng kanyang anak na lalaki sa loob naganap kamakalawa sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Jenny Jean Grafane, 46, may-asawa ng Kaingin II, Brgy. Pansol sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi sa loob ng barangay hall ng Brgy. Pansol ay sinamahan ng biktima ang anak nitong si Vincent para sa hearing ng kasong pagnanakaw ng anak.

Habang dinidinig ang kaso ay bigla na lamang umanong nanginig ang katawan ng biktima kaya ipinasya na itakbo ng mga tauhan ng Barangay Police Safety Officers (BPSO) nasabing ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments