MANILA, Philippines - Dalawang kawani ang inaaaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos na masabat sa kanila ang mga puslit na cell phones na umaabot sa P6.7 milyong piso, kahapon
Sa ulat na natanggap ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, kinilala ang dalawang suspek na naaresto sa San Marcelino St., Maynila habang sakay ng van ay sina Narciso Briones at John Jamilla Bernardion, kapwa empleyado ng Windfreight Express Total Logistics at nakuha sa kanila ang may 793 pirasong smuggled na Cloud Fone Thrill 430X cellular phones, na nagkakahalaga ng P6,167,161.00 at kinasuhan ng paglabag sa Sections 3601 and 3609 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP).
Ayon kay Biazon na ang mga nakumpiskang cell phone ay kanilang i-o-auction upang makabawi ang gobyerno sa buwis.
Muling nagbabala si Biazon sa mga nais na kumita ng malaki at madalian sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa ay hindi makakaligtas sa kampanya ng ahensya laban sa iligal na gawain.